Babae, patay matapos uminom ng alak nang walang laman ang tiyan

1774
Unsplash

SUSSEX, United Kingdom — Nasawi sa pag-inom ng alak ang isang 27-anyos babaeng inilarawan ng kaibigan nito bilang “health freak”.

Nadali si Alice Burton ng alcoholic ketoacidosis, komplikasyong dulot ng pag-inom ng alak nang wala pang kinakaing kahit ano.

Ayon sa Facebook post ni Aaron Mulvay, walong taon nang kaibigan ng biktima, hindi na nakapunta sa ospital at agad namatay si Burton sa bakuran ng kanyang bahay noong Hulyo 1.

“She had not eaten enough and it had triggered an acid in her stomach. It was just so sudden – she didn’t even have to go to hospital, but had gone out into her garden and passed away there,” aniya.

Hindi tiyak ni Mulvay kung gaano karami ang nainom ng kaibigan, ngunit kilala niya umano ito na hindi naman manginginom.

Kuwento niya pa, mahilig sa kalikasan ang kaibigan at madalas itong lumalabas mag-ehersisyo.

“Alice loved going out but she was also such a health freak – she was a member of running clubs and really enjoyed cycling,” sabi ni Mulvay.




Katunayan aniya, tatlong linggo bago pumanaw si Burton ay nakuha pa nitong magbisikleta at dumaan sa kanilang bahay.

Para kay Mulvay, biglaan at labis na nakakagulat ang sinapit ng kaibigan.

Facebook Comments