BAYAN NG BENITO SOLIVEN, 2ND CLASS MUNICIPALITY NA

CAUAYAN CITY – Pormal nang kinilala bilang second-class municipality ang Bayan ng Benito Soliven, Isabela, noong ika-1 ng Enero taong kasalukuyan..

Ang pagkilalang ito ay resulta ng muling klasipikasyon ng kita ng munisipalidad sa ilalim ng First General Income Reclassification.

Ito ay alinsunod sa Schedule of Income Classification na itinakda ng Department of Finance (DOF) sa ilalim ng Department Order No. 074-2024, at ng Republic Act No. 11964 o ang (Automatic Income Classification of Local Government Units)


Ang tagumpay na ito ay naglalayong higit pang mapalakas ang kakayahan ng munisipalidad na pataasin ang kita, magpatupad ng mas maraming makabuluhang proyekto, at mapabuti ang serbisyo para sa mga mamamayan.

Ang bagong estado ng Benito Soliven bilang isang second-class municipality ay nagsisilbing bagong kabanata para sa patuloy na pag-unlad at pag-angat ng bayan, na pinapanday ng kooperasyon ng lokal na pamahalaan at ng mamamayan nito.

Facebook Comments