Cauayan City, Isabela- Nakategorya na rin ng Department of Health (DOH) region 2 sa Community Transmission ang bayan ng Cabagan, Isabela makaraang makapagtala ng kabuuang 102 active cases batay sa pinakahuling datos ng ahensya.
Base sa panuntunan ng DOH, hindi na tukoy kung saan ang pinagmulan ng sakit kung kaya’t maraming pasyente ang nahawaan ng virus.
Batay sa datos ng DOH, nangunguna pa rin sa mataas na kaso ang lungsod ng Tuguegarao na may 669 active cases; sinundan ng Cauayan City na may 153, Tumauini naman na may 127.
Ang mga nabanggit na lugar ay nananatiling aktibo sa Community Transmission.
Samantala, pumalo na sa 959 ang naitalang kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 sa buong rehiyon dos.
Sa ngayon ay nasa kabuuang 39,713 ang mga naitalang tinamaan ng virus sa rehiyon habang 3,605 ang nananatiling aktibo.