Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang katimugang bahagi ng Surigao del Sur.
Na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol bandang alas-12:17 ng tanghali.
Natunton ang episentro nito 10 kilometro sa Timog-Silangang bahagi ng Cagwait, Surigao del Sur.
May lalim itong 24 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity I sa lungsod ng Bislig, Surigao del Sur.
Wala namang inaasahang mga pinsala at aftershocks sa lindol.
Facebook Comments