Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng bagong kumpirmadong kaso ng corona virus (COVID-19) ang Bayan ng Echague ngayong araw.
Ito ay matapos ianunsyo ni Municipal Mayor Francis Faustino ‘Kiko’ Dy ang positibong kaso mula sa Brgy. San Fabian.
Ayon sa pahayag ni Mayor Dy, nagpasuri ang pasyente nitong nakaraang huwebes, Hunyo 4 at ngayon lamang lumabas ang resulta.
Nilinaw din nito na umuwi lamang sa nasabing barangay ang positive patient mula sa ibang lugar.
Ayon sa Department of Health Region 2, isang 30-anyos na OFW ang positibo sa virus at umuwi lamang sa Pilipinas nitong Marso, 18 at agad na isinailalim sa 14-das quarantine.
Nakiusap naman ito sa kanyang mga kababayan na iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.
Samantala, ipinatupad na rin sa bayan ang Liquor Ban bilang pag-iingat matapos makapagtala ng positibong kaso ng virus.
Sa kasalukuyan, ang pasyente ay walang naipamalas na mga sintomas ng sakit at siya ay nasa pangangalaga ng Echague District Hospital.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng contact tracing sa posibleng nakasalamuha ng nasabing pasyente at para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.