Bayan ng Echague sa Isabela, Isinailalim na rin ‘Extreme Enhanced Community Quarantine’ matapos may magpositibo sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Isinailalim na rin sa Extreme Enhanced Community Quarantine ang Bayan ng Echague sa Isabela matapos makapagtala ng unang kaso ng COVID-19.

Ito ay batay sa Executive Order no. 27 na pirmado ni Municipal Mayor Francis ‘Kiko’ Dy.

Ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng Home Quarantine habang nananatiling suspendido ang pagkuha ng Quarantine Pass sa maga barangay.


Samantala, kabilang din sa mga nakasaad sa kautusan na ang pagbili ng mga basic necessities ay ipag uutos nalang sa mga opisyal ng barangay upang maiwasan ang paglabas ng maraming tao sa kabila ng banta ng nakamamatay na sakit.

Kaugnay nito, mananatili pa rin na bukas ang mga establisyimento na nagbibigay ng pangangailangan ng publiko gaya ng Public Markets, Supermarket, Groceries, Convenience Stores, Hospitals, Medical Clinic, Pharmacies and Drug Stores, Food Preparation and Delivery Services, Water Refilling Stations, Manufacturing and Processing Plants of basic food products and medicines, Banks, Money Transfer Services, Power, Energy, Water and Telecommunications supplies and facilities.

Sa kabila ng mahigpit na pagbabantay sa mga checkpoint ay maari pa rin namang lumabas ang publiko subalit may ilang panuntunan ang dapat pagbasehan sa paglabas ng kani-kanilang bahay gaya ng:

A. Medical Services B. Funeral Services C. Emergency Responders D. Security Services E. Banks F. Money Transfer Services G. Supermarket/Groceries/Covenience Stores/Sari-Sari Stores H. Public Market I. Drugstore/Pharmacies J. Food Chain/Restaurant/Carinderia K. Delivery Personnel of Cargoes L. Employees working at the Manufacturing establishments engaged in basic foods products and medicines M. Logistics/Warehouse Establishments N. Telecommunications O. Energy Companies P. Water Companies Q. Sanitation R. Government Skeletal Force S. Farmers and farmer workers]

Nagtalaga na rin ng mga checkpoint sa bawat sulok ng Echague upang masiguro ang kaligtasan ng nakakarami habang ikokonsidera Patient under Monitoring ang indibidwal na may travel history sa ibang bansa o sa mga probinsiya, lungsod o bayan sa Pilipinas na may confirmed case ng Covid-19 at sasailalim sa 14-day self-quarantine sa designated quarantine area ng bayan.

Hinihimok din ni Dy ang mga negosyante na nagmamay-ari ng mga pangunahing pangangailangan ng isnag tao gaya ng pagkain at gamut na magsagawa ng Rolling Stores sa mga barangay.

Facebook Comments