Bayan ng Gattaran, Naitala ang unang kaso ng Pagkamatay dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nasawi si CV5001 o ang isang 89-anyos na ginang sa bisperas ng kapaskuhan mula Tuguegarao City habang si CV4954 o ang 78-anyos naman na ginang sa bayan ng Gattaran ang nasawi sa mismong araw ng pasko sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay dahilan sa kanilang mga dating sakit na mas pinalala pa ngayon ng tamaan sila ng COVID-19.

Si CV5001 ay unang nagkaroon ng exposure sa kanyang anak na lalaki, manugang at apo hanggang sa makaranas ito ng lagnat, ubo at hirap sa paghinga na nagsimula noong Disyembre 21.


Habang si CV4954 o ang unang mortality case ng Gattaran ay may dating sakit na hypertension na kanyang comorbidity at pinalala pa ito ng tamaan ng virus na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, pumanaw rin sa pribadong ospital ang ika-77 kaso ng pagkasawi sa lambak ng Cagayan matapos mabatid na positibo ito sa COVID-19 ng isagawa ang pagsusuri ng mga doktor subalit inaalam ngayon ang iba pang sanhi ng kanyang pagkamatay dahil wala itong comorbidity o ibang sakit batay sa inisyal na pagsusuri.

Maliban dito, nasawi rin ang ika-78 pasyente ng COVID-19 dahil din sa kanyang comorbidity na severe COVID pneumonia gayundin ang iba pa nitong karamdaman na cardiac arrhythmia at coronary artery disease.

Sa ngayon ay nasa 21 na ang naitalang nasawi sa Cagayan, habang pinakamarami pa rin ang kaso sa Tuguegarao City na 10; tig-dalawa sa Tuao, Solana at Amulung habang bawat isa naman sa Aparri, Ballesteros, Enrile, Gattaran at Iguig.

Facebook Comments