Bayan ng General MacArthur sa Eastern Samar, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

136

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng General MacArthur sa Eastern Samar kaninang ala-1:10 ng madaling araw.

Ayon na Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 57 kilometro.

Naitala ang Intensity V sa mga bayan ng General MacArthur, Hernani, at Quinapondan, sa Eastern Samar at sa Pastrana, Palo, at Tacloban City sa Leyte.


Habang naitala rin ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III – Abuyog, Alangalang, Leyte
Intensity II – Hilongos, Mahaplag, Baybay, Leyte; Hinunangan, Southern Leyte
Intensity I – Ormoc City, Albuera, Leyte; Sogod, Southern Leyte

Hindi naman inaasahan ng PHIVOLCS ang pinsala pero asahan ang mga aftershocks kasunod nito.



Facebook Comments