Monday, November 30, 2026

DND, mariing tinututulan ang pahayag ng China patungkol sa security assistance ng Japan sa Pilipinas

Mariing tinututulan ng Department of National Defense (DND) ang pahayag ng Chinese Embassy patungkol sa tulong pangseguridad sa Pilipinas ng bansang Japan.

Sa inilabas na pahayag ni DND Spokesperson Asec. Arsenio R. Andolong, sinabi nito na ang Pilipinas lamang ang makakapagpasya kung sino ang mga partners nito at kung paano palalakasin ang depensa nito.

Aniya, ang matinding pagtutol ng Tsina sa mga kagamitang pangmasid na pinagkaloob ng Japan sa bansa ay malinaw umanong pag-amin ng kanilang maling gawain, kahit ano pang pagsusuri ang gamitin.

Giit pa nito, kung tapat ang Tsina sa kapayapaan sa South China Sea dapat nitong itigil ang paniniil, respetuhin ang 2016 Arbitral Award, at sumunod sa international laws partikular na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Facebook Comments