Bayan ng Jones, Ikinategoryang ‘local transmission’ ng DOH Region 2

57

Cauayan City, Isabela- Nakategorya bilang ‘local transmission’ ang bayan ng Jones, Isabela makaraang maitala ang 2nd generation transmission ng COVID-19.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.


Ayon sa ahensya, nakapagtala ng 28 cumulative cases ang bayan habang October 21 ng magsimula ang local transmission sa lugar.

Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal, inaasahang sa Disyembre 15 ay maituturing na matagumpay ang containment kung hindi na makapagtatala pa ng dagdag na bilang sa mga naunang kaso.

Sa ngayon ay may dalawang aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 3,505 ang tinamaan ng virus sa Cagayan valley habang 330 ang nananatiling aktibo.




Facebook Comments