Mga miyembro ng maralitang grupo, nagsibalikan na sa mga nasirang bahay sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal

73

Nagsibalikan na sa kani-kanilang bahay ang mga miyembro ng maralitang grupo sa Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal.

Kilala ang kanilang grupo sa tawag na SIKKAD K-3 o San Isidro, Kasiglahan, Karamay at Damayan para sa Kaunlaran, Kabuhayan, at Kapayapaan.


Kwento ng mga residente, mahirap ang buhay sa evacuation center dahil marami ng tao kaya naman nagpasya na rin silang bumalik sa mga pabahay.

Ayon naman kay Kapitan Glen Evangelista, ng Brgy. San Jose sinabi nito na illegal occupants ang mga residente.

Inokupa umano nila ang mga nakatenggang pabahay ng National Housing Authority (NHA).

Aminado naman dito, ang ilang residente at sinabing illegal entry ang ginawa nila pero umuusad na umano ang proseso para sa pag claim nila ng pabahay.




Facebook Comments