Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng unang kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 ang bayan ng Jones, Isabela.
Batay sa ipinalabas na abiso ng LGU Jones, isang 65-anyos na ginang o CV5775 mula sa Barangay Dibuluan ang binawian ng buhay.
Wala umano itong kasaysayan ng paglalakbay sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 at hindi rin matukoy kung saan posibleng nahawa ang nasabing pasyente.
Sa paunang pagsusuri ng mga doktor, nakaranas ng pag-uubo, hirap sa paghinga at may dati ng sakit na Diarrhea ang pasyente simula po noong Enero 6.
Nabatid rin na may matagal ng karamdaman ang pasyente gaya ng Hypertension, Diabetes Mellitus, at Asthma hanggang lumabas naman na positibo ito sa Antigen Rapid test nitong Enero 9 at sumailalim rin sa hiwalay na swab test sa kaparehong araw at nagpositibo sa SARS- CoV2.
Una nang dinala ang pasyente sa isang pribadong ospital sa Santiago City.