Cauayan City, Isabela- Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Mallig, Isabela bilang ‘Drug-Cleared’ Municipality sa ginanap na Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program Region 2 (ROCBDC2) sa Skybox Banchetto, Municipal Compound, Echague, Isabela kahapon, March 18,2022.
Ito ang unang bayan sa rehiyon na naitalang drug-cleared para sa taong 2022.
Tinanggap naman ni LGU Mallig Municipal Administrator Engr. Kareen Benitez na kinatawan ni Mayor Jose P. Calderon ang sertipikasyon mula sa PDEA.
Ayon sa PDEA, nakasunod ang labing walong barangay sa lahat ng kinakailangan ng ahensya gayundin ang pagkakaisa ng mga miyembro ng ROCBDC dahilan para makuha ang pagiging Drug-Cleared Municipality.
Umaasa naman ang pamunuan ng PDEA na magiging drug-cleared na rin ang buong lambak ng Cagayan.
Facebook Comments