Bayan ng Malvar sa Batangas, Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Manila, Philippines – Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Malvar sa Batangas.
Naganap ang lindol 5 kilometro sa west ng bayan ng Malvar kaninang alas 9:18 ng umaga.
Naramdaman naman ang intensity 2 sa Tagaytay City bunsod ng nasabing lindol.
Wala namang inaasahang aftershocks na maaring maidulot bunsod ng nasabing lindol at hindi rin inaasahan ng PHIVOLCS na magdudulot ito ng pinsala.

Facebook Comments