Bayan ng Mother Kabuntalan sa Maguindanao, isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha

Manila, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Mother Kabuntalan sa Maguindanao province dahil sa matinding pagbaha sa halos 20 barangay na sakop nito.

Ayon kay Mother Kabuntalan Municipal Administrator Anwar Salik, ang pagdedeklara ng state of calamity ay sa bisa ng isang resolusyon na pinirmahan ng sanggunian bayan ng kabuntalan.

Apektado aniya ng baha ang nasa 3,586 na pamilya sa lugar at aabot hanggang tuhod na ang tubig sa tapat mismo ng municipal hall, sanggunian bayan at maging ang municipal police station.


Sa ngayon aniya ay wala pang paglikas sa mga residente dahil nakasanayan na rin ng mga ito ang baha sa lugar.

Sa kabila nito, posible namang maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa darating na June 5 dahil maging ang kanilang mga paaralan ay nalubog rin sa baha.

DZXL558

Facebook Comments