Drug suspek, patay sa engkwentro sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang tulak ng ilogal na droga na si Mar Salazar matapos makipag engkwentro sa mga otoridad sa Sta. Cruz Maynila.

Naglatag ng buy bust operation ang Police station 3 ng Manila Police District sa P. Guevarra at nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis na nagkakahalaga ng limang daang piso.

Pero habang inaabot ang droga ay nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon at bumunot ito ng baril kayat inunahan na ito ng mga otoridad.


Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 38 na baril at ilang sachet ng hinihinalang shabu.
DZXL558, ,Mike Goyagoy

Facebook Comments