Cauayan City, Isabela- Itinuturing ng Department of Health (DOH) Region 2 na local transmission ang pagkakaroon ng positibong kaso ng virus sa Bayan ng Naguilian at Gamu sa Lalawigan ng Isabela.
Ayon kay Pauleen Atal, Health Education and Promotion Officer ng DOH region 2, batay sa talaan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) na maituturing na local transmission ito dahil sa nakapagtala ng dalawa o higit pang kaso ng COVID-19 ang nabanggit na bayan na walang kasaysayan ng pagbiyahe ang mga pasyente sa mga lugar na may infected ng virus.
Ayon pa kay Atal, ang Inter-Agency Task Force (IATF) at mga local chief executives ang magdedesisyon para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa sa kanilang nasasakupang bayan.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na ugaliin ang tamang pag-iwas sa sakit at siguraduhing mapapanatili ang kalinisan.