*Cauayan City, Isabela*- Tuluyan ng idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO2) ang Bayan ng Naguillian bilang ‘DRUG CLEARED MUNICIPALITY’ matapos maipasa ang evaluation ng oversight committee ng nasabing ahensya.
Ayon kay PMSgt. John John V. Malan, Sr. PCAD PNCO ng Naguilian Police Station, sa kabila ng deklarasyon ng ahensya ay patuloy pa rin ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa kanilang nasasakupan para matiyak ang hindi na muling pagkakaroon ng iligal droga sa bayan.
Sinabi pa ni Malan na titiyakin nilang namomonitor ang mga drug surrenderee upang maisguro ang hindi pagbalik ng mga ito sa iligal na gawain.
Binigyang diin pa ni Malan na ang mga bayan na naidedeklarang ‘drug cleared’ ay kalimitang dinarayo ng mga nagbabalak na muling magsagawa ng iligal na aktibidad.
Kaugnay nito, hihintayin na lamang ang opisyal na pagpapasinaya sa ‘Balay Silangan sa Bayan ng Naguilian kasaby din nito ang pormal na pagbibigay ng deklarasyon sa nasabing bayan.