Bayan ng Patnongon sa Antique, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Patnongon sa Visayas bago mag-alas 8:30 kanina.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng lindol sa layong 44 na kilometro sa hilagang kanluran ng Patnongon.

May lalim na 34 na kilometro ang pinagmulan nito at tectonic ang dahilan.


Naramdaman ang intensity 3 sa Malinao, Aklan; intensity 2 sa Sebaste at Valderrama sa Antique.

Naramdaman din ang intensity 1 sa Malay, Aklan at Jamindan sa Capiz.

Dagdag ng PHIVOLCS, hindi naman nagdulot ng pinsala sa tao at aria-arian ang pagyanig, at hindi inaasahan na magkakaroon ng aftershocks.

Facebook Comments