BAYAN NG QUEZON, NAKATANGGAP NG PICK-UP MULA SA BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng Nissan Pick Up truck ang bayan ng Quezon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang nasabing pick up truck ay isang 2004 model government vehicle kung saan gagamitin ito sa 15 barangay bilang Emergency Relief Response sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Pormal naman itong ipinasakamay kay MDRRMO Kristofer Allabo at GSO Dionisio Iniego at siniguro naman ng mga ito na magagamit sa wasto ang sasakyan na ito.


Samantala, taos pusong nagpapasalamat ang bayan ng Quezon sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa ibinigay nitong donasyon sa kanilang munisipalidad.

Facebook Comments