Cauayan City, Isabela- Inaasahan na maidedeklarang ‘Drug-Cleared Municipality’ ang Quirino sa Lalawigan ng Isabela.
Ito ay matapos pumasa sa pagsusuri ng oversight committee ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.
Ayon kay PCAPT.Rufo Figarola, hepe ng PNP Quirino, natapos ng maideklara ang huling barangay ng San Juan na isa sa may pinakamalaking bilang ng droga kumpara sa iba pang apektadong barangay.
Aniya, 15 barangay sa 21 ang apektado ng iligal na droga habang ang natitirang 6 ay ‘drug-free’.
Dagdag pa ng hepe, natapos na ang inspeksyon sa ipinatayong ‘Bahay Silangan’ sa bayan na siyang magsisilbing pasilidad para sa mga taong nais magbago.
Tiniyak naman ng pulisya ang tuloy-tuloy na pagbabantay upang mapanatili ang kawalan ng presensya ng droga sa buong bayan.