Ramon, isabela – Ipinagdiwang ng mga manggagawa ng Ramon, Isabela LGU kasama ang mga private sectors ang Christmas Program na may temang “Pasko’y kay Saya, Kung Sama-Sama”.
Ito ay pinangunahan nina Mayor Jesus Laddaran at Bise-Mayor Melvin Cristobal sa isinagawang programa kahapon, Disyembre 22, 2017 na ginanap sa La Sallette Gymnasiun ng naturang bayan.
Isa ito sa mga aktibidades na pinakahihintay ng mga manggagawa ng LGU na dinaluhan ng mahigit kumulang 1,800 na kinabibilangan ng lahat ng lebel ng paaralan ng Ramon, mapa-pribado o publiko, mga opisyal ng 19 barangay ng naturang bayan, LGU family at pati narin ang kanilang mga kaanib na ahensya na kung saan ay makakatanggap sila ng regalo na handog ng LGU.
Isa- isa namang iniabot ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang mga regalo gaya ng bigas at pang personal na gamit sa mga guro ng ibat- ibang paaralan at sa mga manggagawang nagprisinta ng sayaw at awit.
Nagkaroon din ng raffle promo para sa isang sakong bigas at payong.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Community Affairs Officer Joram David Beltran, ito pa lang ang pangalawang pagkakataon na nagkaroon ng Christmas Program para sa mga manggagawa kanilang bayan upang magka sama-sama at magkasiyahan bilang isang pamilya ang lahat ng mga ahensiya gaya ng DEpED at mga stakeholders ng munisipyo.
ikinatuwa naman ito ng mga dumalo sa pagkakaroon ng ganitong programa dahil malaking tulong ang mga natanggap nilang mga regalo.