Bayan ng Ramon, Naitala ang 1st COVID-19 Death Case

19

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 ang bayan ng Ramon, Isabela.

Batay sa ipinalabas na abiso ng Rural Health Unit, isang 57-anyos na ginang na si CV6106 mula sa Barangay Bugallon Norte ang binawian ng buhay.


Wala umano itong kasaysayan ng paglalakbay sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 subalit nagkaroon ng close contact kay CV5947.

Ito ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay na naitala ng nasabing bayan.

Facebook Comments