137 Newly-Promoted PNP Personnel ng Nueva Vizcaya, Nanumpa

15

Cauayan City, Isabela- Nasa sa kabuuang 132 newly-promoted PNP personnel ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office at limang (5) mula naman sa Provincial Support Units ang sabay sabay na nanumpa sa isinagawang oath-taking ceremony sa Camp Saturnino Dumlao, Bayombong, Nueva Vizcaya kahapon, Enero 15.

Pinangunahan ni PCol. Ranser Evasco, Acting Provincial Director ang oath-taking at mass pinning para sa mga Police Non-Commissioned Officers.


Sa kanyang mensahe, hinamon ni Evasco ang mga bagong promote na mahigitan pa ang naibigay na ranggo sa kanila sa pamamagitan ng pagseserbisyo sa bayan.

Sinabi rin nito na magsumikap ang mga kapulisan sa hakbangin ng kanilang hanay bilang mandato sa kanilang dedikasyon sa serbisyo sa bayan.

Sinaksihan naman ng mga pamilya at kaanak ng mga promotes ang kanilang pagharap sa bagong hamon ng kanilang trabaho.

Facebook Comments