Bayan ng Reina Mercedes, Ikinategorya sa Local Transmission

16

Cauayan City, Isabela-Nakategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng Reina Mercedes, Isabela matapos makapagtala tinamaan ng COVID-19 batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.
As of February 2, 2021, nakapagtala ng 10 cases linked ang naturang bayan at inaasahang sa Pebrero 28 ang containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi na madaragdagan ang kaso sa lugar.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, kabilang pa rin sa ‘active status’ ng local transmission ang mga bayan ng Luna, San Mariano, Tumauin, Naguilian, Ramon at Reina Mercedes sa Isabela; Solana at Baggao sa Cagayan.


Samantala, pumalo na sa kabuuang 7,439 ang tinamaan ng virus sa Cagayan Valley habang 939 ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments