Fake seller sa Las Piñas, tinutugis na ng mga otoridad

33

Mahaharap sa kasong estafa ang seller ng pekeng cellphone sa Las Piñas.

Isang nagngangalang Julie Hang ang nagbebenta ng cellphone sa Facebook.


Sa reklamo ng isang alyas “Tony”, umorder siya ng iPhone11 sa halagang ₱6,500.

Karaniwang aabot sa ₱40,000 hanggang ₱50,000 ang presyo ng nasabing cellphone.

Gagamitin sana ng anak ni Tony ang cellphone para sa kanyang online class.

Nalaman lamang na peke ang cellphone nang umiinit ito kahit hindi china-charge.




Agad na sinabi ni Tony sa seller na si Julie ang problema pero kalaunan ay hindi na siya sinagot at na-block pa sa Facebook.

Nahuli ang delivery rider na si alyas “Tom” nang magkasa ng operasyon ang mga pulis at muling umorder sa seller.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ngayon ang seller at ang isa pang rider na unang nag-deliver ng pekeng cellphone.

Facebook Comments