Bayan ng Roxas, Isabela, Mayroon na Lamang 24 Active Cases

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa 24 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Roxas, Isabela.

Sa datos na inilabas ng Roxas COVID-19 Inter-Agency Task Force ngayong araw, May 14, 2021, mula sa 24 active cases, naitala ang siyam (9) na kaso sa brgy. San Rafael, tig-tatatlo (3) sa Muñoz West at Vira; tig-dadalawa (2) sa Villa Concepcion at Muñoz East at tig-iisa (1) sa mga barangay ng San Jose, San Placido, Bantug at Luna.

Kaugnay nito, nakapagtala naman ang bayan ng Roxas ng labing lima (15) na Recoveries at nakauwe na sa kani-kanilang pamilya.


Habang mayroon namang labing dalawa (12) na suspect cases na awaiting ang confirmatory PCR swab results sa kasalukuyan na inaasahang darating ngayong araw o bukas.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 877 ang cumulative confirmed cases sa naturang bayan; 834 rito ang gumaling samantalang nasa labing siyam (19) ang nasawi.

Nagsasagawa naman ng contact tracing ang Roxas COVID-19 Inter-Agency Task sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo at patuloy na isinasagawa ang disinfection maging ang local containment strategies upang maiwasan ang pagkalat ng kaso sa bayan ng Roxas.

Facebook Comments