Cauayan City, Isabela-Isinailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang bayan ng San Agustin sa Isabela na tatagal hanggang Nobyembre 30 sa oras na alas-5:00 ng hapon.
Ito ay bunsod ng patuloy na pagdami ng mga bilang tinamaan ng COVID-19 na sa loob lamang ng dalawang (2) linggo.
Batay sa executive order no.23 na nilagdaan ni Mayor Cesar Mondala, hihigpitan ang paglabas ng mga residente maliban nalang kung kakailanganing bumili ng mga basic necessities para sa kanilang pamilya.
Nakasaad din sa kautusan na hindi papayagang lumabas ng bahay ang edad 21 pababa habang ang 60 taong gulang pataas na may comorbidities ay ipinagbabawal din.
Kaugnay nito, papayagan pa rin ang operasyon ng piling establisyimento at mananatili lamang sa 50% capacity ang mga tao.
Papayagan din ang religious activity subalit mananatili lang sa 5 katao ang magdadaos ng misa habang suspendido naman ang lahat ng pampublikong transportasyon.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang tulong para sa mga maaapektuhan ng nasabing pagpapatupad nito.