PNP Chief Sinas, nagpasalamat sa pag-abswelto ni Pangulong Duterte sa mañanita incident

Photo Courtesy: Philippine National Police

Natuwa si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos ang muling pagdepensa nito sa kinasangkutan niyang kontrobersiyal na mañanita.

Sa kanyang talumpati sa unang flag raising ceremony kaninang umaga sa Camp Crame, sinabi ni Sinas na magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman.


Aniya, natutuwa siya sa tiwala ng Pangulo pero nahihiya rin siya.

Matatandaang sa televised speech ni Duterte ay inako nito ang “full responsibility” sa pagtatalaga kay Sinas para pamunuan ang PNP.

Facebook Comments