Bayan ng San Joaquin sa Iloilo, isinailalim sa state of calamity dahil sa Dengue

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng San Joaquin sa Iloilo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Dengue sa lugar.

Iniulat ng kanilang municipal administrator na umabot na sa 105 ang tinamaan ng sakit ngayong buwan.

Mas mataas ito ng 400% kumpara sa naitalang Dengue cases sa kaparehas na panahon noong 2021.


Maliban sa San Joaquin ay nakapagtala rin ng pagtaas ng kaso ng Dengue sa bayan ng Guimbal at Tubungan.

Sa ngayon, nasa 460 na kaso ng Dengue sa buong probinsya kung saan karamihan sa mga tinamaan nito ay mga kabataang may edad 10 pababa.

Puspusan na ang ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang Dengue outbreak sa bayan.

Facebook Comments