Bayan ng San Mariano, Handa na sa Pag-uwi ng mga Galing sa Metro Manila!

Cauayan City, Isabela- Pinaghahandaan na ng pamahalaang bayan ng San Mariano, Isabela ang pag uwi ng ilang mga mamamayan na nais makinabang sa balik probinsya program ng pamahalaan.

Ayon kay Mayor Edgar Go ng San Mariano, may mga inihanda na silang mga lugar kung saan ay gagamitin bilang quarantine facility na siyang pansamantalang tutuluyan ng mga taga San Mariano na nais umuwi dito mula sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila.

Dagdag pa ni Mayor Go na sa kasalukuyan ay mayroon na silang tatlong (3) lugar kung saan gagamitin bilang quarantine facility na matatagpuan sa brgy Bitabian, Alibadabad at sa isang building sa likod ng munisipyo.


Sa ngayon ay nasa 30 na mga indibidual ang nakatakdang susunduin mula sa mga lugar ng Sampaloc, Sta Mesa at ibang pang lugar sa Metro Manila na nagpahayag ng kagustuhang makabalik sa San Mariano matapos na malockdown simula nang ipatupad ang ECQ sa buong Luzon.

Samantala, pinag aaralan na rin ng San Mariano ang pagbili ng testing kit na gagamitin para sa planong pagsasagawa ng mass testing para sa COVID 19.

Ayon kay Mayor Go, naghahanap na sila ng sapat na pondo upang makabili ng testing na manggagaling pa sa ibang bansa.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan sila sa FDA para sa accreditation ng testing kits na gagamitin sa naturang bayan.

Facebook Comments