Bayan ng San Mateo, Naikategorya sa Local Transmission

Cauayan City, Isabela-Ikinategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng San Mateo, Isabela matapos maitala ang dumaraming kaso ng COVID-19 batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.

As of April 4, nakapagtala ng 8 cases linked ang naturang bayan at inaasahang sa April 29 ang containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi pagdagdag ng kaso sa lugar.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, kabilang pa rin sa ‘active status’ ng local transmission ang mga bayan ng Luna, Cabagan,Sta. Maria, Roxas at Mallig.


Sa official facebook page ng LGU San Mateo, nasa 112 ang active cases sa bayan habang labinlima (15) na ang naitalang namamatay.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 14,217 ang tinamaan ng virus sa Cagayan Valley habang 504 ang nananatiling aktibo; 283 ang naitalang namatay sa COVID-19.

📸LGU San Mateo

Facebook Comments