BAYAN NG SAN NICOLAS, ITINAAS SA BLUE ALERT STATUS

Itinaas sa Blue Alert Status ang bayan ng San Nicolas dahil sa pagpasok ni Amang, ang unang bagyo na nakapasok sa bansa.
Kaugnay nito ang pag-activate ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang mga Emergency Operations Center para sa kinakailangang paghahanda hanggang sa lebel ng mga BDRRM Committees at School DRRM coordinators.
Wala pang signal ang probinsya ng Pangasinan bagamat asahan ngayon na magiging makulimlim dahil maaaring malusaw o nalusaw na ang bagyo .

Alinsunod naman ang pagtaas ng Blue Alert Status sa bayan bilang pakikiayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council. |ifmnews
Facebook Comments