MATA NG BINATA SA LINGAYEN, NATALSIKAN NG BAGOONG HABANG NAGTATRABAHO, NABULAG

Labis-labis ngayon ang panghihinayang ng isang binata sa bayan ng Lingayen matapos matalsikan umano ng bagoong ang mata nito habang nagtatrabaho.
Nakilala ang binatang si Jerry Caguioa residente ng Barangay Pangapisan Sur sa bayan ng Lingayen kung saan nakatakda na itong operahan ngayong araw at kasalukuyang naka-admit sa Region 1 Medical Center Dagupan City.
Nangyari ang insidente nitong March 15, 2023 sa Nueva Ecija at dahil hindi sapat ang kanilang pera na pampahospital ay huli na ng madala ito sa pagamutan nitong ika-10 ng Abril lamang.

Dahil dito, sinabi umano ng doktor na dahil sa impeksyon sa kaliwang mata nito ay nagresulta na sa pagkabulag ng kanyang mata.
Sa ngayon, humihingi ng tulong ang kaanak ng biktima dahil hindi pa umano sapat ang perang kakailanganin sa operasyon nito. Dagdag pa ng kaanak ni Jerry, hindi pa umano nagpapaabot ng tulong ang dati nitong pinagtrabuhan ngunit mayroon naman umanong nagpapadala ng tulong mula sa iba’t ibang indibidwal.
Sa mga nais, magpaabot ng tulong pinansyal, mangyari lamang umano na ipadala sa Gcash sa numerong 09064754183 (KIMEROSE B.) |ifmnews
Facebook Comments