Bayan ng Sarangani, niyanig ng 3.5 magnitude na lindol

21

Naramdaman ang 3.5 magnitude na lindol sa isang bayan sa lalawigan ng Davao Occidental ngayong umaga.

Sa abiso na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 114-kilometer East ng Sarangani.

May lalim itong 150 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa insidente.

Hindi rin naglabas ng tsunami warning alert ang PHIVOLCS at wala ring inaasahang aftershock.

Facebook Comments