DPWH, minamadali na ang pagtatayo ng isolation facility sa Lung Center of the Philippines

48

Ipinag-utos Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary at Isolation Czar Mark Villar na madaliin ang paggawa sa isa pang quarantine facility sa loob ng Lung Center of the Philippines (LCP) compound.

Nais ng kalihim na matapos ang pasilidad sa susunod na buwan.

Layon aniya nito na mapalawig pa ang hospital bed capacity para sa moderate hanggang severe cases ng COVID-19.

Kahapon nang bisitahin ng mga kawani ng DPWH ang nasabing pasilidad para matiyak na tuluy-tuloy ang paggawa nito.

Facebook Comments