Bayan ng Solano, Extended sa MECQ; Ilang barangay sa Nueva Vizcaya, Nakalockdown

85

Cauayan City, Isabela-Pinalawig ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ng bayan ng Solano.


Inaprubahan ng Regional Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (RIATF) ang hiling na isailalim sa 15-days MECQ ang nasabing bayan.

Una nang iprinisenta ni Governor Carlos Padilla ang resolusyon sa ika-26 CV-RIATF meeting sa pamamagitan ng teleconference na umaapela sa hiling na MECQ extension.

Samantala, isinailalim naman sa lockdown ang ilang barangay ng Pongosino, San Pedro, Paniki at Villa Coloma sa bayan ng Bagabag upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments