Mas malaking budget para sa pagbili ng palay ng mga magsasaka, ipinahahanda na

113

Nanawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa Department of Agriculture (DA) na maghanda ng mas malaking budget para sa pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka sa bansa.


Ayon kay SINAG Chair Rosendo So, maliban sa epekto ng COVID-19 sa bansa, hirap din ang mga magsasaka na maibenta ang mga palay dahil sa Rice Tariffication Law (RTL).

Ilang miyembro na rin kasi ng SINAG ang nagrereklamo dahil hindi sila makasabay sa pagbaba ng murang imported rice mula nang maisabatas ang RTL.

Facebook Comments