Cauayan City, Isabela- Nahigitan na ng bayan ng Solano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang may pinakamataas na bilang ng local transmission sa buong rehiyon 2.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) region 2, pumalo sa 74 katao ang nagkahawaan sa bayan ng solano habang nananatiling nasa 153 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan at nanguna ang bayan ng solano na may pinakamataas na active case na 106.
Bukod dito, kasama pa rin sa datos ang lungsod ng tuguegrao na pangalawa naman na may pinakamataas na local transmission na umabot ng 61 at inaasahang makukumpleto ang containment nito ngayong darating na Setyembre 24.
Sa ngayon ay nasa 399 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong region 2 habang 939 na ang kabuuang naitala na tinamaan ng nasabing virus.