Bayan ng Sta. Ana, Cagayan, ‘Drug Cleared’ Municipality Na

*Cauayan City, Isabela*- Naideklara nang ‘Drug Cleared’ ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 (PDEA) ang Bayan ng Santa Ana sa Lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay P/Major. Harvey Pajarillo, Hepe ng PNP Sta. Ana, 11 barangay ang apektado ng droga mula sa kabuuang 16 barangay ng Bayan ng Sta. Ana.

Dagdag pa ng hepe, ilan sa mga biktima ng iligal na droga sa lugar noon ay pawang mga kabataan.


Bagama’t naideklara na ang bayan ay mas paiigtingan pa umano ng kapulisan ang kanilang haklabang upang hindi na muling magkaroon ng presensya ng iligal na droga sa lugar.

Facebook Comments