Cauayan City, Isabela-Pumalo na sa 55 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Tumauini sa Isabela batay sa huling datos ng Municipal Health Office (MHO) ngayong araw.
Una nang sumailalim ang nasa 210 inbidiwal sa RT-PCR test habang 352 close contacts ang na-test sa rapid antigen.
Ayon sa pamunuan ng MHO, lahat ng mga bagong nakumpirmang positibo sa virus ay inaasahang ililipat na sa mga isolation facility upang higit na magbigyan ng atensyong medikal habang hinihintay na magkaroon ng bakante dahil sa dumaraming bilang ng mga tinatamaan ng nasabing sakit.
Kinabibilangan naman ng mga barangay Maligaya, Paragu, District 1, District 2 at De Alban Street sa Barangay District, Purok 5 Barangay District 4; Purok 1 Barangay Arcon; Purok 7 Annafunan; Purok 7 San Pedro; Purok 3 Camasi; Purok 2 Moldero; Purok 1 Sto. Niño; Purok 1 San MateoPurok 4 Lanna at Purok 6 Lingaling ang nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine status habang ang natitirang mga purok at barangay ay ilalagay sa General Community Quarantine.
Inihayag rin ng MHO na hindi bibigyan ng travel pass ang mga barangay na nakapasailalim sa ECQ maliban sa mga frontliners habang inatasan naman ang mga opisyal ng barangay na magpatupad ng lockdowns sa mga critical zones sa mga nabanggit na lugar.
Trabaho rin ng opisyal na bigyan ng pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain ang mga apektadong pamilya.