Bayani Agbayani, inaming sinagot ng gobyerno ang kanyang flight sa Japan

Ibinunyag ng komedyanteng si Bayani Agbayani na sinagot ng gobyerno ang biyahe nito papuntang Japan kung saan nagkaroon ng official visit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Agbayani – ang kasunduan ay maghahatid sila ng saya sa mga Pilipinong nasa Japan.

Aniya, gastos ng gobyerno ang kanilang flight na economy at hindi namang pwedeng mga artista pa rin ang maglalabas ng pera.


Dagdag pa niya, hindi sila naningil ng talent fee at hindi na nagpalibre pa ng kahit ano sa gobyerno.

Magugunitang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na gastos ng mga artista ang kanilang biyahe sa Japan.

Facebook Comments