BAYANI | CAAP, CSC ginawaran nang pagkilala ang isang bumbero na nasawi noong pananalasa ng typhoon Yolanda

Binigyang pagkilala ng Civil Service Commission (CSC) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang isang bayaning tagapamatay sunog na nasawi matapos ang pananalasa ng typhoon Yolanda noong 2013.

Ang parangal sa lingkod bayani ay iginawad kay Sabu Espina, firefighter ng Bacolod-Silay Airport.

Si Espina ay nasa kanyang official travel noon patungo sa Tacloban Airport para umasiste sa pagkukumpuni ng mga airport firetrucks na sinira ng typhoon Yolanda.


Pagkatapos manalasa ng bagyo nakatanggap ng ulat ang pamilya ni Espina na ito ay nawawala.

Makaraan ang ilang taon hindi pa rin nakikita ang mga labi ni Espina kung saan makailang beses nang nagpabalik-balik ang pamilya nito sa Tacloban kapag nakakatanggap ng balitang may natagpuang bangkay para beripikahin kung ito si fireman Sabu.

Kamakailan lamang tinanggap ng naulilang pamilya ni Espina ang parangal sa lingkod bayani kung saan binigyan ng scholarship program ang kanyang mga anak at P100,000 na financial assistance.

Sa panig naman ng Bacolod-Silay Airport at CAAP binigyang pagkilala din ang mga nagawa at serbisyo ni Espina sa loob ng 24 na taon.

Matatandaang nanalasa ang typhoon Yolanda noong November 8 2013 kung saan itinuturing itong isa sa pinakamabagsik na bagyo na nanalasa sa bansa.

Facebook Comments