BAYANI | Isang lalaki mula sa Luisiana, tinaguriang “Cat Rescue Guy"

Louisiana – Isang lalaki mula sa Baton Rouge, Louisiana ang idine-dicate ang kaniyang buhay upang maging tagapagligtas ng mga pusang nangangailangan ng tulong.

Ayon sa 64 – year – old retiree na si Randall Kolb, a.k.a “Cat Rescue Guy”, ay nalaman daw ang kaniyang calling noong 2014, dalawang araw matapos ang kaniyang pagre- retiro mula sa kaniyang I.T. Job.

Aniya, isang pusa ang na stuck noon sa puno, di kalayuan sa kaniyang bahay. Dalawang araw aniya ang kaniyang ginugul sa paghahanap ng tao na willing umakyat sa puno para iligtas ang pusa. Pinagmasdan niya kung papaano umakyat sa puno at isalba ang pusa, at mula noon ay siya na ang mismong nagsasalba ng mga nakikita niyang na-stuck na pusa.


Gumawa at bumili si Kolb ng sarili nitong tree climbing equipment, at hanggang sa kasalukuyan, nasa 150 mga pusa na ang kaniyang naililigtas.

Facebook Comments