HULI | Dalawang lalaki, arestado sa anti-illegal drug operation

13

Pateros – Arestado ang dalawang lalaki sa Pateros makaraang magsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga awtoridad sa P. Rosales Street Barangay Sta Ana, Pateros.

Sa pinagsamang pwersa ng Pateros Police at PDEA NCR, agad na dinakip ang mga suspect na sina kinilala ang mga suspect na sina Joseph Matias, 33 anyos at Arvin Cruz, 26 anyos, nang magkaabutan na ng bayad sa pagitan ng mga ito at ng poseur buyer.

Na-recover mula sa operasyon ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu, at isang 500 pisong buy bust money.

Facebook Comments