Bayanihan 2, inaasahang maisasalang na sa bicam sa susunod na linggo

Inaasahang maisasalang na sa bicameral conference committee ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 sa susunod na linggo.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na target nilang aprubahan ngayong araw ang bersyon ng Kamara ng Bayanihan 2 na nagkakahalaga ng P162 billion.

Kapag naisalang na sa bicam ay target naman nilang ratipikahan ang report dito sa Martes o Miyerkoles ng susunod na linggo.


Nitong nakaraang linggo ay may mga pagpupulong na aniyang naganap kung saan tinalakay ang pagkakaiba sa bersyon ng Senado at Kamara.

Ang bersyon kasi ng Kamara ng Bayanihan 2 ay nagkakahalaga ng P162 billion mas mataas kumpara sa bersyon ng Senado na nasa P140 billion na pasok sa budget cap na itinakda ng Department of Finance, National Economic Development Authority at Department of Budget and Management.

Naniniwala naman si Cayetano na mas magiging malakas ang Bayanihan 2 kung mas malaki ang pondo para rito lalo na kung matatagalan pa ang health crisis.

Facebook Comments