Iminungkahi ni Senator Francis Tolentino na isailalim muna sa special audit ang 165.5 billion pesos na pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Sabi ni Tolentino, mainam itong gawin bago ipasa ang panukalang Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan 3 na tinatalakay na ngayon sa Kamara.
Paliwanag ni Tolentino, dapat maging maliwanag kung saan napunta, kanino nakarating at paano nakatulong ang pondong pantugon sa pandemya sa ilalim ng Bayanihan 2.
Sabi ni Tolentino, dito ay makikita rin kung may natitira pang pondo sa Bayanihan 2 na maikokonsidera para sa pagtalakay sa panukalang Bayanihan 3 na pinapopondohan ng 400 billion pesos.
Facebook Comments