Muling ilulunsad ang “Bayanihan e-Konsulta” o libreng telemedicine services program ni dating Vice President Leni Robredo sa ilalim ng non-government organization na “Angat Buhay”.
Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na muling magbabalik ang naturang programa bilang tulong sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dagdag pa ni Robredo, online pa rin ang magiging trabaho ng mga volunteers.
Sa ngayon, wala pang sinabi si Robredo kung kailan muling magsisimula ang “Bayanihan e-Konsulta”.
Matatandaang, nagsimula ang naturang programa nang sumirit ang COVID-19 cases noong Abril 2021 kung saan, bukod sa libreng konsultasyon ay nagbibigay din sa mga pasyente ng COVID care kits na naglalaman ng oxymeter, mga gamot, vitamins, thermometer at disinfectants.