DOH-OIC Vergeire, nakipagpulong na sa BARMM health minister kaugnay sa ikinakasang pinalakas na pagbabakuna

48

Nakipagpulong na si Department of Health (DOH) Officer-in-Charge, Undersecretary Ma. Rosario Vergeire kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahaim.

Kaugnay ito ng pagpapaigting ng pagbabakuna sa BARMM.

Partikular ang 100 Days Presidential Directives sa DOH hinggil sa pagpapalawak ng pagbabakuna kontra COVID-19 o ang PinasLakas campaign na ikakasa sa July 26, 2022.


Partikular na target na isasagawa ang pagbabakuna sa mga paaralan, palengke, mga opisina at sa komunidad.

Facebook Comments