BAYANIHAN | MMDA, nanawagan ng pagkakaisa para malinis sa basura ang mga daluyan ng tubig

Manila, Philippines – Hinimok ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang community leaders at Local Government Units (LGUs) na magkaisa para tugunan ang problema ng basura na bumabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot ng pagbaha sa kamaynilaan.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, makikipagtulungan sila sa mga LGU, city at barangay officials para magkaroon ng ‘bayanihan days’ kung saan lahat ay makalahok sa cleanup operations.

Sa pamamagitan aniya ng pagtulong-tulong ng mga komunidad na malinis ang waterways ay tiyak na maiiwasan ang pagbaha sa kanilang mga lugar.


Kadalasan ang mga basura ay galing sa mga informal settlers, pampublikong palengke at ospital.

Facebook Comments